Naisipan kong gumawa ng
blog upang mabigyang daan ang samu’t-saring kaisipan, opinion, suhestyon
at sentimyento ko. Dito’y hindi ko layon na makialam o manguna kundi bigyan
lamang ng kasagutan ang ilang mga bagay-bagay na bagaman sa hindi MAGULO ay
hindi rin MALINAW.
Ako si Wilaiza “Maris” Cunanan Puno.
Dalawamput isang taong gulang. Ipinanganak at nagkaisip sa Bayan ng
Concepcion,Tarlac. Gumugol ng anim na taon sa pag-aaral ng Elementarya sa
Mababang Paaralan ng Culatingan,Elementary School. Nagkaroon ng pagkakataong
makapag-aral ng Sekondarya sa Zaragoza, National High School sa Nueva Ecija sa
loob ng Dalawang taon datapwat kinailangang bumalik sa Tarlac upang doon
magpatuloy at Magtapos ng Sekondarya. Nag-aral at Nagtapos sa Pamantasang
Normal ng Pilipinas ang kinikilalang Pambansang Sentro ng Edukasyon Pangguro.
Pinili at ninais na mapabilang sa mga nagpapakadalubhasa sa Wikang Filipino.
Matyagang bumasa at sumuri ng mga Nobela,Kwento at Talambuhay na nasulat sa
Ingles at Filipino. Nakahiligang bumuo at sumulat ng Tula na kadalasang ang
Tema ay pumapaksa sa Kalungkutan, Pagdaramdam, Pangungulila, Kabiguan,
Pag-ibig, Pasasalamat, Edukasyon, Politika, Nakalipas at mga Karanasang minsay
Masaya minsay malungkot. Nagbibigay kuro (hinihingi man o hindi) sa mga bagay
at isyu na may kinalaman sa mga Pambansang usapin o isyu. Bumabasa, Nagsusulat
at Nagsasalita sa sarili kong kaparaanan at pagkakaunawa sa mga bagay-bagay.
Hindi ko hinangad na manguna o makialam sa paniniwala o isipin ng sinuman
datapwat nais kong maipaalam na ako ay isang Kabataang buhay at nabubuhay hindi
lamang para sa aking kapakinabangan at sarili.
Ngayon ay binuksan sa akin ang
pagkakataon na maging isang AREA COORDINATOR ng isang Organisasyong ang
pangunahing dahilan ng pagkakatatag ay mapabuti o/at makatulong tungo sa
ikabubuti ng mga Paaralan at Institusyon sa Pilipinas. Isang baguhang Organisasyon
na unti-unting gumagamot sa inaamag na kasanayan at sistema sa Edukasyon sa
Pilipinas. Hinihilom ang pinakamaliit na galos na mayroon ang sistemang ito na
siyang hindi naman nakikita o nagawan ng agarang aksyon ng mga mas mataas at taal na sa ganitong
kalakaran. Baguhang Organisasyon na pinalakas at sinuportahan ng mga Pribadong
Organisasyon at Sangay ng Lokal na Pamahalaan sa Pilipinas sapagkat nakitaan ng
Positibo at Makabuluhang layunin at tunguhin ang CMS o Checkmyschool.org. Baguhang Organisasyon na gamot at sagot sa
Lumang Hinaing, Daing at Hiling ng mga mag-aaral, guro at mga simpleng
mamamayan na may pagpapahalaga sa isang Mabuti, Maayos, Maganda, Dekalidad at
Epektibong edukasyon.

Isa ito sa mga patunay na may magagawa ang mga kabataan para sa pagbabagong hinahangad natin para sa bayan.
TumugonBurahinsulat pa!
-Joy Agustin